Ang Kabihasnang Greek


HEOGRAPIYA NG GREECE

-bukas ang kanilang daungan para sa mga mangangalakal.
-ito ay matatagpuan sa Timog-Silangan ng Europa at sa Balkan Peninsula.
-may 1,400 na pulo.
-75% ng kalupaan ng Gresya ay kabundukan.
-mabato, hiwa-hiwalay, mabundok, at hindi patag ang lupain.


Epekto ng Heograpiya ng Greece

-watak-watak ang lungsod-estado (city-state)
-Mabagal ang pagpasok ng teknolohiya
-Ilan lamang ang naitatanim—kulang sa pagkain
-Natutong mangisda
-Maraming magandang daungan
-malakas ang naging ugnayan sa mga karatig-pook


SIBILISASYONG HELENIKO

-ang muling pagsibol ng sibilisasyong Griyego ay tinawag na Panahon ng Heleniko—mula sa salitang “Hellas”
-Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay
-Dahil sa pakikipagkalakalan, marami silang kaalamang natutuhan—Phoenician; Geometry


Ang Panahong Hellenic (800 B. C. E. – 338 B. C. E. )

Hellene – Katawagan ng mga Greek sa kanilang mga saril Hango ito sa salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece.
 Panahong Hellenic – Ang panahon ng kasikatan ng kabihasnang Greek hanggang sa pagtatapos nito noong 338 B. C. E.

Lungsod-Estado ng Gresya

-Ang tawag sa pamayanan ng Greece ay polis (city-state)
-Malayang pamayanan, may sariling pamahalaan at nakasentro ang pamumuhay sa isang lungsod
-Itinayo ng mga Greeks ang kanilang templo sa acropolis
-Dalawa ang umusbong na lungsod: Athens at Sparta

Ang Polis

Polis – Ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece na itinuturing na lungsod-estado o city state sa kadahilanang ito ay malalaya, may sariling pamahalaan ang bawat-isa at ang pamumuhay ng mga tao ay nakasentro sa iisang lungsod.
Acropolis -  Ang pinakamataas na na lugar sa mga lungsod-estado kung saan itinayo ng mga Greek ang kanilang mga templo.
Agora – Isang bukas na lugar sa gitna ng lungsod kung saan maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao.

Athens at Sparta – Dalawang malakas na lungsod-estado na kalaunan ay naging tanyag sa Greece. Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens samantalang ang Sparta naman ay sinakop ang mga karatig na rehiyon nito. 

Athens:Demokratikong Polis 

Binibigyan ang mga mamamayan na makilahok sa pagbuo ng desisyon sa pamayanan
Gayunman, tanging kalalakihan lamang ang kinikilala; ang mga kababaihan ay may kakaunting karapatan lamang

Oligarkiya o Oligarchy – Isang uri ng pamahalaan na binuo ng mga taga-Athens kung saan ang pamumuno ay hindi sentralisado at sa halip ay binubuo ng isang lupon ng mga dugong-bughaw upang palitan ang hari.

Kodigo ni Draco
     --”kapag nakapatay ng tao—pagpapatapon  (exile)
     --debt Slavery—paninilbihan bilang bayad sa pagkakautang

Mula 594 B. C. E., pinalawig nina Solon, Pisistratus at Cleisthenes ang pamahalaan ng nakararami o democracy

PISISTRATUS
-Unang tirano (tyrant)
-Ipinagtanggol ang katayuan ng mahihiarap
-Ipinamahagi ang mga lupain sa mga mahihirap
-Isinaayos ang ang irigasyon
-Sinuportahan ang sining
-Malupit at hindi nakikinig sa mamamayan

SOLON
Council of 400 – Binubuo ng tig-100 kinatawan mula sa apat na pangunahing tribu ng Athens na nilikha ni Solon.
Pinayagang ihabla ang sinumang lumalabag sa batas

CLEISTHENES
Ostrasismo/Ostracism – Sinimulan ang sistemang ito sa panahon ni Cleisthenes. Pinahintulutan ng sistemang ito ang mga mamamayan an palayasin ang sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala ay mapanganib sa Athens. 


Direct Democracy – Sistema ng pamamahala kung saan direktang kabahagi ang mga taga-Athens sa pagpili ng kinatawan at maaari rin silang manungkulan.
Pericles – Sa panahon niya naranasan ng Athens ang tugatog ng demokrasya. Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina  ng pamahalaan ng mga karaniwang mamamayan. 

Sparta: Isang Mandirigmang Polis

Higit na binigyang halaga ng Sparta ang pagkakaroon ng malalakas at magagaling na sundalo. Nanatili rin ang Sparta sa pagkakaroon ng pamahalaang Oligarkiya.

-Binubuo ng dalawang pangkat (Asemblea at Konseho ng Matatanda/Council of Elders )
-Ang Asemblea ay binubuo ng kalalakihan at mga hinirang na opisyal
-Ang Konseho ng matatanda ang nagpapanukala ng batas
Ephors—nagpapatupad ng batas
-Sinakop ang Mennesia sa Peloponnese—tinawag ang mamamayan na helot

-Pangunahing layunin ay lumikha ng magagaling na sundalo
-Pagsapit ng bata ng ikapitong gulang, ipinapadala na ito sa kampo ng militar—gymnastics at pagsasanay na militar
-Sa panahon ng pagsasanay, ang mga bata ay walang sapin sa paa at manipis ang suot na tunika. Sa gabi pinatutulog sa mga bangko at lugaw ang kinakain

Ang Banta ng Persia

Nakailang ulit na tinangka ng Persia na sakupin ang Greece. Nanguna ang Athens at Sparta sa pakikidigma sa Persia.
Cyrus the Great – Noong 546 B. C. E., sinalakay niya ang Lydia sa Asia Minor. Humalili sa kanya kalaunan ang anak niya na si Darius I.

Ang Digmaang Graeco – Persian (499 B. C. E. – 479 B. C. E. )

Labanan sa Marathon/Battle of Marathon

Noong 490 B. C. E., tinangka ng plota ng Persia na salakayin ang Athens. Pumunta ito sa Marathon Bay na 25 milya lamang ang layo mula sa Athens. Bagamat hindi dumating ang tulong na hiniling ng Athens mula sa Sparta, nanalo pa rin ang hukbo ng Athens.
Phidippides—inutusang tumakbo at humingi ng tulong sa Sparta

Labanan sa Thermopylae/Battle of Thermopylae

Xerxes – Anak ni Darius tinangkang pabagsakin ang Athens. Noong 480 B. C. E., tinalo ng kanyang hukbo ang pwersa ng Sparta sa Thermopylae.
Nabihag ang Athens at sinunog ang acropolis

Labanan sa Salamis/Battle of Salamis

Tinipon ng Athens ang mga barko sa Salamis at tinalo ang plota ni Xerxes
Patuloy na tinalo ng Athens ang nalalabing puwersa ni Xerxes

Ang Digmaang Peloponnesian (431 B. C. E. – 404 B. C. E. )

Delian League – Isang malawak na pederasyon ng mga lungsod-estado sa Greece na pinagbuklod sa pangunguna ng Athens.

Dahil sa inuna ng Athens ang sarili nitong kapakanan, ang Delian League ay hindi naging ganap na napagbuklod ang mga lungsod-estado sa Greece. Sa halip, ito ay naging daan para sa pagpapalawig ng imperyong pangkalakalan ng athens.

Noong 431 B. C. E., sumiklab ang Digmaang Peloponnesian. Dito, nagsama-sama ang mga lungsod-estado sa Peloponnesus. Pinili nila ang Sparta upang pamunuan sila laban sa Athens.

Noong 404 B. C. E., tinalo ng Sparta ang Athens.
Iniwan ng Digmaang Peloponnesian ang mga Greek na mahina at watak-watak.

Imperyong Macedonian (336 B. C. E. – 263 B. C. E. )

Philip II – Hari ng Macedonia na nagnais na pag-isahin ang ang mga lunsgod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikidigma.

Alexander the Great – Naging tanyag na lider ng Macedonia na anak ni Philip II. Noong 334 B. C. E., pinangunahan niya ang isang hukbo na lumusob sa Kanlurang Asya.

Dalawang Yugto ng Kabihasnang Griyego

Panahong Helleniko—nakapaloob sa Greece
Panahong Hellenistiko—kumalat ang kabihasnan sa buong mundo

Pamana ng Kabihasnang Greek

Agham
-- Geometry
       (Pythagoras, Archimedes,Aristarchus,    Erastosthenes)

Arkitektura
--Parthenon
--Doric,Ionic, Corinthian

Paraan ng Pamamahala

Monarchy
Oligarchy
Democracy


Post a Comment

1 Comments