Sa ngayon, binubuo ito ng maraming bansa, kabilang ang:
· India
· Pakistan
· Bangladesh
· Afghanistan
· Bhutan
· Sri Lanka
· Nepal at
· Maldives
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspetong heograpikal at kultural
kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Dahil dito, madalas ding tawagin
ang lugar na ito bilang subkontinente ng India. Kahit pa ang rehiyong ito ay nahihiwalay sa Silangang Asya dahil sa Himalayas.
Sinasabing mahirap lubusang mabatid ang matandang kasaysayan ng
India lalo pa’t ang malaking bahagi nito ay hindi itinala ng mga
sinaunang Indian. Maaaring makahukay ang mga arkeologo ng mga
kasangkapang ginamit ng mga sinaunang Indian subalit hanggang sa
kasalukuyan ay hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang
sistema ng pagsulat ng matandang kabihasnan ng India.
HEOGRAPIYA NG LAMBAK NG INDUS

Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang
Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng
hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan
ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000
lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.
Indus River – sa baybayin na ito umusbong ang kabihasnan sa
India
.
India
.
Ang tubig ng ilog dito ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng
Himalayas sa katimugang Tibet. Ito ay may habang 1000 milya na
bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay
nagging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang
India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
Daang-daang pamayanan ang matatagpuan sa lambak-kapatagan ng
Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. ang karamihan sa mga ito ay maliliit na
pamayanang may tanggulan at may maayos na mga kalsada. Sa sumunod na
limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mgaistrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
Pari – ang mga pangunahing namumuno sa lipunan at nagsisilbing tagapamagitan sa tao at kanilang mga diyos.
Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang
kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa wala itong
iniwang mga tala at larawan at tila hindi nangailangang ipagmalaki ang
kanilang mga ginawa. Isa pang katakataka ay ang kawalan ng mga naiwang
monument o istruktura mula sa sinaunang India na maaaring maihalintulad
sa zigurrat ng Mesopotamia at pyramid ng Egypt.
Sa kasalukuyan, ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Timog
Asya. Subalit kung susuriin, ang buong tangway ay tahanan at
pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.
Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.
Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang
Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng
hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan
ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000
lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.
Indus River – sa baybayin na ito umusbong ang kabihasnan sa India.
Ang tubig ng ilog dito ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng
Himalayas sa katimugang Tibet. Ito ay may habang 1000 milya na
bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay
nagging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang
India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
Daang-daang pamayanan ang matatagpuan sa lambak-kapatagan ng
Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. ang karamihan sa mga ito ay maliliit na
pamayanang may tanggulan at may maayos na mga kalsada. Sa sumunod na
limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mgaistrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
Pari – ang mga pangunahing namumuno sa lipunan at
nagsisilbing tagapamagitan sa tao at kanilang mga diyos.
nagsisilbing tagapamagitan sa tao at kanilang mga diyos.
Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang
kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa wala itong
iniwang mga tala at larawan at tila hindi nangailangang ipagmalaki ang
kanilang mga ginawa. Isa pang katakataka ay ang kawalan ng mga naiwang
monument o istruktura mula sa sinaunang India na maaaring maihalintulad
sa zigurrat ng Mesopotamia at pyramid ng Egypt.
Sa kasalukuyan, ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Timog
Asya. Subalit kung susuriin, ang buong tangway ay tahanan at
pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.
ANG PANAHON VEDIC
Ang mga Aryan ay nagtungo pakanluran sa Europa at patimog-silangan
sa Persia at India. Sa mga rehiyong ito nila dinala ang wikang ngayon ay
tinatawag na
Indo-European – ang makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat dito.
Samantala, dinala nila sa India ang
Sanskrit – ang wikang klasikal ng panitikang Indian.
Sanskrit – ang wikang klasikal ng panitikang Indian.
Arya – ang salitang ito ay isang terminong linguistic. Sa kalaunan, ang katagang ito ay ginamit upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi.
– ay nangangahulugang “marangal” o “puro” sa wikang Sanskrit.
Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamalagi at pamamayani ng
mga Aryan sa hilaga at hilagang-kanlurang India ay hango sa apat na
sagradong aklat na tinatawag naVedas.
Vedas – ay isang tinipong akda ng mga himnong pandigma,
mga sagradong ritwal, mga sawikain at salaysay.
Masasaksihan sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula sa pagitan ng 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E.. Ang mga panahong ito ay tinatawag din bilang Panahong Vedic.
Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasa’y mga
lalaki at mapandigma) at kulturang pinangingibawan ng mga lalaki. Ang
kanilang kaparaanan ay unti-unting umangkop sa mga diyosa at kultura ng
sinaunang India. Sa pagsapit ng1100 B.C.E., tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India.
Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay mayroon lamang tatlong antas;
· ang mga maharlikang mandirigma
· mga pari; at
· mga pangkaraniwang mamamayan
Kapansin-pansing ang bawat kasapi ay maaaring makalipat patungo sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
Subalit ang kanilang pagsakop sa lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay. Ang kanilang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagkaroon ng pagtatatag ng maliliit na imperyo samantalang ang pagiging pinuno ay nagsimulang mamana.
Sa pagtatapos ng Panahong Vedic, naging mas makapangyarihan din ang mga kaparian kung ihahambing sa mga mandirigma. Ito ay dahil sa naging mahalaga ang kaayusang itinuturo ng kanilang paniniwala ukol sa mga tao at mga diyos. Mahalaga ang mga ritwal at sakripisyo upang hindi mawasak ang kaayusan sa kalawakan.
Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo.
Caste – ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nangangahulugang “angkan”.
Antas ng tao sa lipunan
1. Brahmin (brak’-min) – mga kaparian
2. Kshatriya (ksha-tri-yaz) – mga mandirigma
3. Vaisya (vi-shyas) – ang mga pangkaraniwang mamamayan na maaaring mga mangangalakal, artisano, magsasaka at iba pa;
4. Sudra (shoo’-draz) – pinakamababang uri sa lipunan na maaaring ang mga nasakop na mga
Indian at maging ang mga inanak o inapo ng Aryan na nakapag-asawa ng
hindi Aryan.
hindi Aryan.
Maliban pa rito, meron din isang antas na tinatawag na outcaste o mga untouchable – isang malaking pangkat ng mga tao na tinuturing nilang hindi kabilang sa lipunan.
– Sila ang pinakamababa sa mga antas ng tao.
– Ilan sa mga Gawain ng mga taong kasapi rito ay angpaglilinis ng kalsada, pagsusunog ng mga patay at pagbitay sa mga kriminal.
– Ang mga trabahong ito ay itinuturing nilang pinakamababa sa lipunan.
Click the link for the video below about the Indus Civilization:
https://www.youtube.com/watch?v=juc3msgLMoc
https://www.youtube.com/watch?v=J8743gj3RCM
https://www.youtube.com/watch?v=8qkDDj6SmGA
Click the link for the video below about the Indus Civilization:
https://www.youtube.com/watch?v=juc3msgLMoc
https://www.youtube.com/watch?v=J8743gj3RCM
https://www.youtube.com/watch?v=8qkDDj6SmGA
2 Comments
Music teacher floods over the class of the rubric number. https://imgur.com/a/mEal5xm https://imgur.com/a/Xk9TKXJ https://imgur.com/a/w4MGqf3 https://imgur.com/a/gzNFG6q http://wp797nxx3l.dip.jp http://rr1dvdglfo.dip.jp https://imgur.com/a/eQg5TFf
ReplyDeletecan we use your images and some lessons in our self made module?
ReplyDelete