Ang Mesopotamya , isinalin mula sa Sinaunang Persiko na Miyanrudan “ang Lupain sa pagitan ng mga Ilog”; sa pangalang Aramaic na Beth-Nahrain “Bahay sa Dalawang Ilog”), ay isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris atEuphrates, binubuo ng mga bahagi ng Iraq at Syria.
Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan
nito sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at timog, ang Gulpo Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng Zagros sa silangan at mga bundok ng Caucasus sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.
PINAGMULAN NG SALITANG MESPOTAMIA
Ang mga kasulatan mula sa Mesopotamya (Uruk,
makabagong Warka) ay ilan sa mga kilalang pinakaunang kasulatan sa
daigidig, nagbibigay sa Mesopotomya ng isang reputasyon sa pagiging “Duyan ng Sibilisasyon“. Kapantay ng mga kasulatang Sumeryong ito angmga hieroglyph ng Ehipto, at ilan sa mga mas matandang kilalang sulat, marahil itinituring bilang pagsusulat na proto (Porma ng sulat ng Sinaunang Europeo), Naqada.
Nasasakop ang Mesopotamya ng malawak ng Fertile Crescent – isang
rehiyon sa kanlurang asya na may matabang lupain at angkop sa pagsasaka.
Ito ay may hugis crescent ng buwan.
ANG MGA SUMERIAN
Unang nanirahan sa kapatagan ng Tigris-Euphrates ang mga Sumerians.
Ang kanilang pangunahing produkto ay trigo at barley. Maunlad ang
kanilang pamumuhay. Ziggurat kung tawagin ang kanilang templo. Sila ay
pinamumunuan ng paring-hari o patesi. Cuneiform ang tawag sa sistema ng
kanilang pagsulat. Ang ginagamit naman nilang panulat ay ang stylus. Ang
mahalagang bagay naman na naiambag nila sa ating kasaysayan ay ang mga
gulong.
Ang sumerian ay isang grupo ng tao na tumira sa mesopotamia.
Ang mga Sumerian ang pinakaunang mayoryang pangkat na nandayuhan sa
Mesopotamia. Nagsimula sila sa mga burol sa silangan. Nakihalubilo sila
sa mga orihinal na pangkat ng unang taong nakatira roon hanggang sa
nakilinang ng kultura na tinatawag na Sumerian. Maraming mananalaysay
ang naniniwala rito sapagkat marami silang mga naimbento na naging
kapaki-pakinabang sa kabihasnan.
Kontribusyon ng Sumerian:
- Unang nakaimbento ng gulong at karwahe na hila ng asno
- Paggatas ng baka, paghabi ng mga mamahaling lana at lino bilang kalakal
- Nakaimbento ng unang paraan ng pagpapalitan — ang paggamit ng cacao bilang pamalit ng kalakal
- Nakaimbento ng unang unang sistema ng panukat ng timbang o haba
- Unang lungsod-estado
- Paggamit ng prinsipyo ng algebra at ang sistema ng pagbilang na nakabatay sa 60
- Kalendaryong lunar na may 12 buwan
- Paggamit ng cuneiform at pagsulat sa luwad
- Paggamit ng laryo na yari sa luwad (clay tablet)
- Dome at vault sa arkitektura at inhenyeriya
- Ziggurat(templo para sa mga diyos), rampa, paggawa ng dike
- Pag-oopera
- Pugon
- Fraction at square root
- Prinsipyo ng calculator
- Unang organisadong pwersang paggawa
- Unang gumamit ng hayop(toro) sa pag-araro
Ang Akkad (Sumeryo: Agade; Bibliya: Accad) ay isang dating lungsod at ang rehiyong nakapalibot nito sa gitnang Mesopotamia. Kilala ang mga mamamayan ng Akkad bilang mga Akkadiano. Naging kabisera din ang Akkad ng Imperyong Akkadiano at sumunod ng hilagang bahagi ng sinaunang Imperyong Babilonyo.]Ang
lungsod ay maaring matatagpuan sa kanlurang pampang ng Eufrates, sa
pagitan ng Sippar at Kish (sa kasalukuyang Irak, mga 50 km sa
timong-kanluran ng gitnang Baghdad). Sa kabila ng malawakang paghahanap,
hindi pa rin matagpuan ang tiyak na kinaroroonan nito.
Kasaysayan
Ito ang kauna-unahang imperyo naitatag sa buong Asya. itinatag ito ni
Haring Sargon noong sirka 2350 BKE. Ang imperyo ay isang malaking estado
na binubuo ng mga kaharian at pinamumunuan ng isang tao na karaniwang
tinatawag na emperador. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga dating
naglalabanang lungsod-estado at pinamahalaan niya nang buong husay ang
mga mamamayan nito bilang isang imperyo.[1] Nang mamatay si
Sargon, pinalitan siya ng mga mahihinang pinuno (katulad ni Haring
Sargon II) na nagbigay-daan sa pagbagsak ng imperyong Akkad.
Mga pamana at imbensyon:
Sa ilalim ng mga naging kapalit ng unang Haring Sargon, napaunlad ng mga Akkadiano ang sining ng pagsulat, at nagdisenyo sila ng unang mga pandigmang helmet na yari sa tanso at katad.
Sa ilalim ng mga naging kapalit ng unang Haring Sargon, napaunlad ng mga Akkadiano ang sining ng pagsulat, at nagdisenyo sila ng unang mga pandigmang helmet na yari sa tanso at katad.
- Ang lupain ng Mesopotamia ay karaniwang nakalantad sa pananalakay ng mga nomad at iba pang barbaro mula sa disyerto. Ang mga pangkat na ito, na nagtagumpay sa kanilang pananalakay ay nagtatag din ng mga estado sa lupain.
- Ang mga Akkadian ay pangkat ng mga taong Semitic na pinamunuan ni Sargon I. Si Sargon I ang kinikilalang kauna- unahang imperyo sa daigdig. pinuksa ni Sargon I ang kapangyarihan ng mga Sumerian sa ilalim ni Lugal-zaggisi at pinag isa ang buong Sumeria sa ilalim ng kanyang pamumuno. sakop ng kanyang imperyo ang Fertile Crescent mula Elam, isang sinaunang kaharian sa silangan ng Tigris. Ang Elam sa ngayon ay ang kasalukuyang timog kanlurang Iran. Nang namatay si Sargon I, siya ay pinalitan ng kanyang apo na si Naram-sin (2270-2233 B.C.E.) Ang kaharian ay higit pang pinalawak ni NMaram-sin hanggang sa masakop nito ang hilangang Assyria. Bunga nito, siya ay itinanghal bilang “Hari ng Ika-apat na Bahagi ng Daigdig”.
1 Comments
thanks
ReplyDelete